Wednesday, October 11, 2006

Labadami, Labango!

Gumigising ng alas 5:00 ng umaaga tuwing sabado para maging domestikada ng dawala’t kalahating oras. Maglilinis ng boung kabahayan pagkatapos uupo na sa bangkito para mgkusot ng damit na ginamit ko ng isang linggo pagpapawis. Meron naman complete cycle washing machine sa flat, pero mas gusto kong i-handwash ang mga pantaas di kasi maalis ang amoy sibuyas sa kilikili at mantsa sa pundiyo.

Habang panay panay ang kusutan marami akong naiisip na mga bagay bagay sa buhay. Sa pamilya, trabaho, kapapahan, mga nakaraan, kaibigan, pagkain, plano, panahon, Pilipinas, pangarap, kaaway, marami pang iba . . . minsan mga sama ng loob tiyak tanggal ang mantsa in an instant.

Tatlong beses na banlawan, sa ika-apat lagyan ng comfort green apple scent hmmmnn kakaibang samyo ng hangin, kay linis sa pakiramdam. Kasing linis ng bituka kapag me diarrhea, mukha pag ngpa facial, konsensya kapag ng safeguard lol.

At sa bawat natuyong damit hudyat ng kahandaan sa panibagong pakikipasapalaran sa buhay.

O kay sarap maglaba !!!

Sermon:
Tayong nasa third world country ano ba meron at di pa natin magawa ang maglaba? Dumadami na mga laundry houses at labandera, kawalan ba ng oras o sadyang katamaran lang. Ang sa akin lang naman ano ba naman yung 2 oras mong ilalaan sa paglalaba, mas matagal pa nga kapag ng telebabad, internet o makipag tsismisan sa kapitbahay, konting disiplina lang po.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home