Monday, November 20, 2006

Pacman, El Terrible Congrats!

A victory to all Filipinos, makes us all proud. Pabalato :P (8M USD)

A had a weird feeling watching the game yesterday. I felt sad for Morales, honestly I hate boxing because you actually see how a man fall, as in literally speaking fall and their whole world too at that moment, plus blood and pasa sa mukha.

On the 3rd round after Morales received all the punches from Pacquiao, he fall and surrender by shaking his head. My heart just broke into two looking at his blank innocent charming face. I would rather see Morales knock-out than consciously saying “NO”. How could a man accept his defeat in front of the whole world, di ka pa naman talaga lowbat, umurong na agad ang bayag mo. I think Morales just did his best in this fight if he retired now there’s no regret, I also consider him a true winner. Anyone care? hehehe

To my El Terrible, i'm so proud of you too… Pabalato din :P

Saturday, November 11, 2006

My name is . . .

My tatay named me after his favorite band the beatles song “Michelle”, he is also the one who choose my kuya’s name “Geoffrey” that he saw on an English film. My nanay named my ate “Vilma” coz Vilmanian sya, that’s how our parents named us their three kids.

Anyway, when I’m still younger I’ll never forget how my tatay listens to beatles, when it’s my name playing he will sing along pa, then he will turn the volume full max and call me, when I look at him smiling parang nakakaloko, I will smile back and go away, “what’s that noise tatay ko talaga” yung ang isip ko nun but now that memory is the sweetest for me.

Now I’m sure that he’s the only man who would never hurt me.

My father died April 17, 1992 at age 42.

It’s been 14 years since he left us, there are times I missed him so much. During college my ate will be home on weekends and always make sure that she has something sweet as pasalubong for tatay, sweets are my tatay’s favorite. I was only high school then and still living with them, but now tatay I can buy you all the sweets you want, i'll give everything you wished if I can to please you, wag lang pantaya sa sabong hehehe.

He’s now in heaven. I hope you’re happy. I love you tatay.

Friday, November 03, 2006

FEELINGS ooohhH FEELINGS . .

"Be, munimuni ako d2.. naiisip ko lng situation nla Flo nd other pipol na nghahanap ng sam1 2 love nd love dem bak. Swerte ko kc iv found dt in u pero i tuk it 4 granted 4 a wyl nung nagawa ko mistake ko. . I knw mdami p temptation na ddating. Iiwasan ko n lng un nd iisipin ko un nangyari now, iisipin ko un muntik kong mawala. . U may not beliv a word m saying now pero sbihin ko n rn coz dats wat m feeling ryt now. ." <<> Text ni Ex

Educated? Learned? Experience is the best teacher pare.

Saturday, October 28, 2006

6K patacas . . . and still shopping

Above mentioned is the cost my medication in two months due to what they called heartache. Timing pang madaming sale sa paligid. After a fight sa chat or phone, shopping lang katapat at least pag nabili ko na gusto ko hindi ako umuuwing luhaan. On my way home I will text him pa “Be me nabili akong ganito . . .” in my jolly mood.

Lahat ng kasya sa akin bili, actually mas marami ako nabili sa para sa sarili ko pag medyo suya na eh for my loveones depende pa kapag bagay sa akin yung para sa kanila, nagiging sa akin pa. Di naman sa selfish ako, brokenhearted nga so I need to take all the prescribed medicine “di nila kailangan ng gamot kung wala sakit :P

How or when will it end/cured, cguro pag bumalik na gana ko sa pagkain at wala na ulit mgkasyang damit sa akin, which means my lovelife is kulayful, life is so unfair no? Bakit ba nakakataba ang masayang lovelife, well i think it just a matter of choice hehehe

Wednesday, October 11, 2006

Labadami, Labango!

Gumigising ng alas 5:00 ng umaaga tuwing sabado para maging domestikada ng dawala’t kalahating oras. Maglilinis ng boung kabahayan pagkatapos uupo na sa bangkito para mgkusot ng damit na ginamit ko ng isang linggo pagpapawis. Meron naman complete cycle washing machine sa flat, pero mas gusto kong i-handwash ang mga pantaas di kasi maalis ang amoy sibuyas sa kilikili at mantsa sa pundiyo.

Habang panay panay ang kusutan marami akong naiisip na mga bagay bagay sa buhay. Sa pamilya, trabaho, kapapahan, mga nakaraan, kaibigan, pagkain, plano, panahon, Pilipinas, pangarap, kaaway, marami pang iba . . . minsan mga sama ng loob tiyak tanggal ang mantsa in an instant.

Tatlong beses na banlawan, sa ika-apat lagyan ng comfort green apple scent hmmmnn kakaibang samyo ng hangin, kay linis sa pakiramdam. Kasing linis ng bituka kapag me diarrhea, mukha pag ngpa facial, konsensya kapag ng safeguard lol.

At sa bawat natuyong damit hudyat ng kahandaan sa panibagong pakikipasapalaran sa buhay.

O kay sarap maglaba !!!

Sermon:
Tayong nasa third world country ano ba meron at di pa natin magawa ang maglaba? Dumadami na mga laundry houses at labandera, kawalan ba ng oras o sadyang katamaran lang. Ang sa akin lang naman ano ba naman yung 2 oras mong ilalaan sa paglalaba, mas matagal pa nga kapag ng telebabad, internet o makipag tsismisan sa kapitbahay, konting disiplina lang po.

Thursday, September 07, 2006

Tanga kapag Umiibig

Bago sumapit ang aking kaarawan nalaman ko na niloko ako ng aking syota, sana positive na balita eh palibhasa brokenhearted na me dahilan na para hindi ako mg treat sa office. Kaya lang nun nag-usap kami pinabulaanan nya ang lahat. Napakatanga ko para maniwala pa sa kanya gayong alam ko na katotohanan. OO na tanga na, eh ano magagawa ng tanga kapag umiibig pa? Ako’y sumaya at sa kasamaang palad natuloy ang aking treat sa office . . masakit, napakasakit sa bulsa!

Ng sumunod na buwan napagkasunduan namin dito sya mgdiwang ng kaarawan sa bansang aking kinaroroonan. Umatungal ako sa pagsalubong sa kanya sa paliparan at bumiyabit na parang bata sa kanyang braso sabay pahid ng sipon sa lalayan ng kanyang damit. Masaya naman kami sa aming muling pagkikita sa kabila ng lahat ng nangyari sa airport.

Binigay ko na ang aking sarili sa kanya, regalo, tanga points agen! Natatakot kasi at kailangan ko rin naman matugunan ang kanyang pangangailangan panglalake. Wala akong pagsisisi, kahit tanga ako alam ko lahat ng nangyari. Di naman ako tulog o kaya ay nakagapos, ginusto ko rin kase sa edad kong ito makunat na. At higit sa lahat love ko sya.

Paghahatid katulad ng pasundo ko ang senaryo hehehe, paalam hanggang sa muling pagkikita. Bakit kase mahirap pakapalin ang kartamoneda kapag sa sariling bansa kumayod? Paglipas ng mga araw, nalaman ko na nagsinungaling sya sa akin ng isang libong beses. Kanino pa ako maniniwala. Tinamad na nga rin ako mgsimba, kamalian ko, katangahan, patawad Ama di na mauulit.

Nagpapagaling pa ng sugat, alam mo kung sino ang tumutulong sa akin, ang ex-syota ko pa rin. Sabi ni friend ko “the irony life the one who makes you cry, is the one who can wipe ur tears away”. Tanga na kung tanga! Di ko kailangang maging matalino kung di naman ako masaya.

Monday, September 04, 2006

Zigzag Wish

Have you had this office moment where you’re walking at the end of a long straight hallway then on the other side is your boss or officemate? As you walk forward you’ll meet at the center and have no choice but to look him/her eye to eye. . . reading minds . . you can smile or say hi & hellos, or deadma just stuck your eyes on the floor pretending your brain is thinking (hahaha). If he/she is someone close to you it’s easy to joke around & laugh hard, but if it is your boss or somebody you hate it’s like the longest minute of your day.

How I wish there’s a zigzag way in my opisina for favor.